NAWALAN NG KITA | Grupong Piston, magkakasa ng kilos protesta ngayong araw bilang pagtutol sa oplan ‘Tanggal Bulok, Tanggal Usok’

Manila, Philippines – Magsasagawa ng kilos protesta sa mga tanggapan ng Department of Transportation, Land Transportation Franchising and Regulatory Board at Land Transportation Office ang pinagkaisang samahan ng mga tsuper at operators nationwide o Grupong Piston.

Ito’y bilang pagtutol ng mga tsuper at jeepney operator sa “Oplan Tanggal Usok, Tanggal Bulok.”

Giit ni Piston National President George San Mateo, simula ipinatupad ang nasabing kampaniya ay nagkaroon na ng jeep shortage.


Aniya, daang daang driver at operator rin ng nawalan ng kita.

Magpapakalat ng 38 government vehicles at 20 bus ang LTFRB at Metropolitan Manila Development Authority dahil sa inaasahang maaapektuhan ng kilos protesta ng grupong Piston.

Libre ang pagsakay sa mga government vehicle habang P10 ang singil sa mga ordinaryong bus at P12 sa mga may aircon.

Sinuspinde na rin ng MMDA ang number coding ngayong araw maliban sa Makati at Las Piñas City.

Facebook Comments