NAWALAN NG KONTROL | Isang magsasaka, patay matapos mahulog ang sinasakyang motorsiklo sa creek sa Ilocos Norte

Ilocos Norte – Patay ang isang magsasaka matapos mahulog ang sinasakyang motorsiklo sa isang creek sa Barangay Bani, Bacarra, Ilocos Norte.

Nakilala ang biktima na si Edwin Uddon, 57-anyos.

Sa imbestigasyon, nawalan kontrol ang biktima sa kaniyang motorsiklo habang binabagtas ang daan pauwi sa kanila kung saan sumalpok ito sa konkretong barikada bago nahulog sa creek.


Nagawa pang maisugod ang biktima sa isang hospital sa Laoag City pero idineklara na itong dead on arrival ng mga doktor.

Facebook Comments