TIMBOG | Mahigit 20,000 butane canister at 300 tangke ng LPG, nakumspika sa illigal na refilling station sa Mandaue City

Mandaue City – Nakumspika ng pinagsaniba na pwersa ng CIDG, DOE-Visayas at city environment and natural resources office ang nasa 27,000 butane canister at 300 tangke ng LPG sa isang iligal na refilling station sa Barangay Tawason, Mandaue City.

Sa ulat, nakatanggap ng reklamo ang mga otoridad hinggil sa iligla na gawain ng nasabing refilling station kung kaya At agad nilang ikinasa ang raid laban dito.

Nadakip naman ang may-ari ng iligal na refilling station na si Gary Mangubat subalit mabilis naman nakatakas ang mga tauhan nito.
Sinasabing delikado ang ginagawang operasyon ni Mangubat lalo na at hindi ito sumailaim sa inspection at walang kaukulang permit.


Facebook Comments