NAWALAN NG PRENO | 7 sugatan, sa karambola ng mga sasakyan sa San Mateo Road

Manila, Philippines – Pito ang sugatan matapos magkarambola ang apat na sasakyan sa may San Mateo IBP Road.

Kabilang sa nasangkot na sasakyan ay ang forward truck na may kargang mga bakal, taxi na may plakang UZI 471 , isang delivery van at isang pampasaherong jeepney.

Ayon kay Traffic Enforcer Rodolfo Lagahit ng Barangay Batasan, pasado 11 nang mawalan ng preno ang forward truck habang binabagtas ang San Mateo Road.


Dahilan upang mabangga nito ang isang babaeng tumatawid sa kalsada. Kasunod nitong natumbok ang taxi na may apat na pasahero. Dahil sa impact umikot ang taxi saka bumangga sa pampasaherong jeep at sa nakaparadang closed van nasalpok nito ang poste bago natumbok nito ang nakaparadang closed van.

Dinala na sa East Avenue Medical Center ang babae at ang driver ng taxi na nagtamo ng matinding pinsala sa katawan gayundin ang apat na iba pa na nagtamo lamang ng minor injuries.

Nagdulot naman ng matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko ang nangyaring karambola.

Facebook Comments