SAWI | Kapitan, patay sa pamamaril

San Juan, Batangas – Inako ng New People’s Army (NPA) ang pagpatay sa Kapitan ng isang barangay sa San Juan, Batangas.

Huwebes noong nakaraang linggo nang masawi sa pamamaril si Mario Valdez Sulit, Kapitan ng Barangay Hugom.

Si Sulit ay inakusahan ng NPA ng pagsuporta sa mga programang kontra diumano sa mahihirap at nakasisira sa kabuhayan ng mga mangingisda.


Ayon sa NPA, pinagbawalan ni Sulit ang mga mangingisda na dumaan sa tapat ng mga high-end resort na itinataboy sa pamamagitan ng pagbaril sa kanilang mga bangka.

Facebook Comments