Nawawalang dress ng isang Pinoy designer, nakitang suot ni Miss Universe PH Gazini Ganados

37818
Right: Gazini Ganados photo via Instagram / Left photo screenshot from Lesley Mobo's Facebook courtesy of PhilStar.

Ikinagulat ng Pinoy International designer na si Lesley Mobo nang makitang suot ni Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados ang ilang taon nang nawawalang dress na idinisenyo niya.

Tinukoy niya ang makinang na pulang damit na ginamit ng beauty queen sa isang photo shoot at ini-upload sa Instagram nakaraang linggo.


Sa IG photo ni Gazini, ang tanging binigyan lang ng credit ay sina BJ Pascual para sa litrato, Qurator Studio at Pam Quiñones sa styling, Anthea Bueno sa makeup, at Aries Manal naman sa hairstyle.

“What would you do if you find your missing archive dress suddenly being worn by a beauty queen and you’re not even aware of it, and not being credited?” ani Mobo sa kanyang Facebook post na burado na, ayon sa Philstar.

“I think she (Ganados) looks good on it, but could do with a little help. Been looking for it (dress) since 2015. (How it landed there?) How can I get it back? Should I buy it back? can I even buy it back?” aniya.

Sa isa pang binura niya na rin na post, nagpakita naman siya ng screenshot ng isang online shopping website na nagbebenta ng kanyang dress.

“Omg someone just sent this to me. Someone out there is letting [people use] or selling this gown? But with a retail price? How come? Hindi naman for sale ang damit? What website is this, please? Can I buy it privately?” aniya.

Samantala, nito lamang Huwebes nang mag-post si Mobo ng “apology accepted” kasabay ang paliwanag na nagkausap na sila ng stylist.

Sinabi niya rin na walang kinalaman sa isyu si Ganados na nag-model lang naman ng dress.

Hinilang niya rin ang pagkapanalo ng Miss Universe bet sa 2020.

Facebook Comments

From Advertisers