Cauayan City, Isabela- Posibleng inanod ng tubig-baha ang ilang mga buwaya na inaalagaan sa Sanctuary sa bayan ng San Mariano, Isabela.
Dahil dito, nananawagan ang Mabuwaya Foundation sa publiko na kung may makitang mga buwaya ay huwag itong patayin o guluhin.
Ayon kay Marites Balbas ng Mabuwaya Foundation na batay sa kanilang minimum count noong buwan ng Setyembre 2020 ay nasa 32 na mga buwaya ang kanilang nabilang subalit nitong Disyembre ay sampu (10) na lamang ang natira.
Gayunman, sinabi ni Balbas na posibleng ang iba sa mga ito ay naanod o lumipat ng ibang lugar dahil ang ibang mga buwaya ay territorial.
Inaabisuhan naman ang publiko na kung sakaling may makitang buwaya sa lugar ay agad na ipagbigay alam sa kanilang tanggapan.
Facebook Comments