Nawawalang Pinay at 3 anak sa nangyaring lindol sa Turkey, hindi pa rin matagpuan

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na hindi pa rin matagpuan ang nawawalang Pinay at tatlong anak nito matapos ang lindol sa Turkey.

Ayon sa DFA, patuloy pa rin ang rescue operations sa naturang mag-iina.

Humihiling naman ng panalangin ang DFA para sa kaligtasan ng Pinay at ng kanyang tatlong anak.


Samantala, kinukuha na ng Philippine embassy sa Turkey ang pangalan ng mga Pilipinong sasailalim sa repatriation.

Ilan naman sa mga Pinoy na nakapag-asawa ng Turkish ang nanindigan na magpaiwan na lamang sa nasabing bansa.

Facebook Comments