Umano’y kartel ng basic commodities, sinimulan ng imbestigahan ng Philippine Competition Commission

Iniimbestigahan na ng Philippine Competition Commission o PCC ang umano’y kartel sa bansa ng mga basic commodities partikular ang sibuyas.

Sinabi ito ni PCC Chairperson Atty. Michael Aguinaldo sa pagdinig ng House Committee on Agriculture and Food ukol sa hoarding at manipulasyon ng mga produktong agrikultural lalo na ang sibuyas.


Naniniwala naman si Aguinaldo na malaki ang posibilidad na mayroong ngang kartel na nag-o-operate sa bansa dahil nananatiling mataas ang presyo ng ilang pangunahing bilihin kahit may sapat na ani o suplay mula sa ating mga magsasaka at mayroon ding pumasok na importation.

Facebook Comments