Nawawalang piraso ng antigong chess set, nagkakahalagang P50-M

PHOTO COURTESY SIMPLE NEWS UK

Isinubasta sa halagang £735,000 o halos P50,000,000 ang 200 taon nang nawawalang piraso mula sa antigong chess set.

Ang ‘warder’, na katumbas ng ‘rook’ sa modernong chess board, ay bahagi ng kilalang ‘Lewis Chessman’ na gawa sa walrus ivory noon pang late 12th century o early 13th century.

Nabili ito ng isang antique seller noong 1964 sa halagang £5 o P400, at pinagpasa-pasahan sa pamilya na walang ideya sa halaga nito bago dalhin sa subastahan.


Sa loob ng 500 taon, inakalang nakabaon sa lupa ang tanyag na chess piece na nakalagpas sa medieval world.

93 piraso ang natagpuan sa Isle of Lewis noong 1831, habang nananatiling misteryo naman ang kinalalagyan ng lima pa.

Nasa British Museum ang 82 chesspiece ng Lewis Chessmen, habang nasa pangangalaga naman ng Nationwide Museum of Scotland ang 11 pa.

Facebook Comments