Nawawalang sabungero, umabot na sa 29 ayon sa PNP-CIDG

Inihayag ni Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Director Major General Albert Ferro na nadagdagan pa ang bilang ng mga sabungerong nawawala.

Aniya, mula sa 25 na nawawala umabot na ito sa 29.

Karamihan sa mga nawawala ay naitala sa Calabarzon at Metro Manila.


Sinabi pa ni Ferro na ang pagkakapareho ng mga nawawala ay dahil sa tinatawag na “tiyope” na ang ibig sabihin ay nagkaroon ng dayaan sa laro.

Sa ngayon, sinabi ni Ferro na kailangan nila ng testigo para makatulong sa kanilang imbestigasyon at matukoy ang kinaroroonan ng mga nawawalang sabungero.

Pinuntahan na rin ng PNP-CIDG ang Manila Arena kung saan naganap ang online sabong at nakausap si Atong Ang na nagmamay-ari nito.

Hiningi raw ng PNP-CIDG ang kooperasyon nito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga CCTV footage upang makatulong sa kanilang imbestigasyon.

Sa ngayon, wala pang matibay na ebidensya ang PNP-CIDG para matumbok ang nasa likod ng pagkawala ng mga sabungero.

Facebook Comments