OFWs sa Kuwait na nagpasaklolo para sa special flight, nakauwi na ng Pilipinas

Nakauwi na ng bansa ang 100 Overseas Filipino Workers (OFWs) na nag-request ng special flight pauwi ng Pilipinas.

Ang naturang OFWs ay matagal nang stranded sa Kuwait kaya humingi sila ng tulong kay Labor Attache’ Nasser Mustafa para makauwi ng Pilipinas.

Karamihan sa kanila ay naipit sa travel restrictions kaya nabinbin ang kanilang pag-uwi sa bansa.


Agad namang nakipag-ugnayan ang POLO-Kuwait sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) para mag-arrange ng special flight.

Facebook Comments