Nawawalang Vice-Mayor ng Tinoc, Ifugao, Natagpuan Na!

*Ifugao- *Natagpuan na ng mga kaanak ang nawawalang bise alkalde ng Tinoc, Ifugao makaraang mawala itong mawala ng halos isang Linggo.

Tikom din ang bibig ng kanyang mga kamag-anak maging ang kapulisan ay nahihirapan na makakuha ng impormasyon kaugnay sa tunay na dahilan sa pagkawala ng bise alkalde noong nakaraang Linggo.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay P/Lt Neil Meris, Deputy Officer ng PNP Tinoc, kanyang sinabi na nakabalik na sa kanyang pamilya si VM Fernando Gapuz na nawala noong Hulyo 19, 2019.


Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng PNP Tinoc na nagtungo ang bise mayor sa kanyang kamag-anak sa Lalawigan ng Cavite na hindi nagpaalam sa kanyang pamilya kung kaya’t nag-aala ang mga ito at humingi ng tulong sa kapulisan maging sa social media upang matukoy ang kinaroroonan ng kanilang padre de pamilya.

Ilang araw matapos ma-ipost sa social media ay isang impormasyon ang natanggap ng kanyang pamilya na naroon sa Cavite ang nasabing opisyal kaya’t agad na sinundo ito at isinugod sa pagamutan sa Baguio City matapos na indahin ang kanyang sakit.

Samantala, nagpapasalamat naman ang kanyang pamilya sa lahat ng mga tumulong sa kanilang panawagan upang mahanap ang kanilang mahal sa buhay.

Sa ngayon ay kasalukuyan pa rin nagpapagaling sa pagamutan si VM Gapuz dahil sa matagal na nitong iniindang karamdaman.

Facebook Comments