Sampaloc, Manila muling bibisitahin ng DZXL Radyo Trabaho

35

Babalik ngayong araw sa iba pang Barangay sa Sampaloc, Manila ang DZXL Radyo Trabaho team.

Kabilang dito ang Barangay 512, 566, 569, 570 at 581 na iikutan at kakausapin ng RT team.


Habang namamahagi ng flyers at stickers ng DZXL Radyo Trabaho ay kukumustahin naman ang mga kabarangay lalo na ang mga naghahanap ng trabaho.

Bukod dito ay aalamin din ang iba pang suliranin sa barangay na maaari matugunan sa tulong naman ng bago programa ng DZXL na DZXL News: Pulso ng Metro.

Ito na ang ika-pitong linggong recorida ng RT team.

Sa Agosto, abangan ang RT team sa mga barangay sa Ermita, Paco at Santa Cruz, Manila.

Facebook Comments

From Advertisers