NBA | Antonio Spurs coach Gregg Popovich, moving on na sa paglipat ni Kawhi Leonard sa Toronto Raptors

NBA – Move on na raw si San Antonio Spurs Coach Gregg Popovich sa isyu ng paglipat ni Kawhi Leonard sa Toronto Raptors.

Inamin ng coach na noon pa man, gusto na talagang umalis ni Leonard sa Spurs para lumipat sa Lakers.

Ayaw na ring pag-usapan ni Popovich ang pasisikap nila noon na mapanatili sa team ang former NBA Finals MVP at Two-Time Defensive Player of the Year.


Pero paglilinaw niya, hindi isyu ang pera sa paglilipat-bakuran ni Leonard.

Katunayan, may nakaabang sana na 221-million dollars (P11.8-billion) na super-maximum five-year contract extension sa Spurs para kay Leonard habang 190-million dollars (P10.1-billion) lang ang pwedeng ialok ng Toronto sa kanya.

Sa ngayon, naka-focus na lang si Popovich sa pagpasok sa Spurs ni four-time all-star Demar Derozan at Jakob Poeltl.

Facebook Comments