NBA – Hindi pinagbigyan ng NBA Commissioner’s Office ang hiling ng Golden State Warriors na irebisa ang itinawag na technical foul sa player nilang si Draymond Green noong game 3 kontra sa Houston Rockets sa finals ng western conference.
Nabatid kasi na tinawagan ng double technical foul sina Green at Rockets Forward Trevor Ariza sa 4th quarter ng laban matapos silang magkagirian.
Ito na ang ikatlong technical foul na ipinataw kay Green sa NBA playoffs kung saan pinagbabayad ito ng multa ng $3,000 at kinakailangan na nitong mag-ingat dahil kapag umabot ito sa pito ay maaari siyang ma-suspend ng isang laro kahit pa ito sa nasa championship game na.
Facebook Comments