CONCERT | Jessica Sanchez, excited pa rin sa pagbabalik nito sa Pilipinas

Excited ang half pinay “American Idol” season 11 runner-up na si Jessica Sanchez sa pagbalik nito sa Pilipinas.

Sa kanyang pagdating sa bansa kahapon, bakas ang kasiyahan nito na suportado at sinalubong ng kaniyang mga fans at ilang airport authority.

Nabatid kasi na special guest si Jessica sa concert ni Jake Zyrus o dating si charice, sa darating na May 25 sa Skydome.


Matatandaan na noong 2014 nang unang beses nag-showdown sa concert stage sina Zyrus at Sanchez para sa mga survivor ng super typhoon Yolanda.

Taong 2015 naman ang huling beses na bisita ni Jessica Sanchez sa Pilipinas kung saan isa siya sa performers sa APEC Economic Leaders’ welcome dinner sa Mall of Asia Arena na dinaluhan ng ilang world leaders gaya ni dating US President Barack Obama.

Facebook Comments