NBA | Bagong may-ari ng Houston Rockets, hindi nanghihinayang sa pagbili sa koponan sa halagang 2.2 billion dollars o mahigit 100 bilyong piso

NBA – Sa kabila ng mga batikos, tiniyak ni Tilman Fertitta na hindi siya nagsisisi na binili niya ang Houston Rockets ng 2.2 billion dollars o mahigit isang daan at limang bilyong piso mula kay Les Alexander.

Paliwanag ni Fertitta malaki ang paniniwala niya na lalong tataas ang halaga ng franchise sa mga susunod na taon lalo na’t contender ang Houston sa NBA.

Dagdag pa nito na kung sa loob ng sampung taon ay aabot sa 3 billion dollars ang halaga ng koponan ay bawing-bawi na siya sa pag-iinvest dito.


Ang Houston ay ang ika-walong pinakamalaking koponan sa NBA kung pagbabasehan ang marketability.

Ang Rockets sa ngayon ang pinakamagaling na koponan sa liga ngayon base na rin sa record nilang 44-23 win loss slate.

Facebook Comments