NBA | Boston bumangon sa 16-point deficit para patahimikin ang Oklahoma

Isinalpak ni Marcus Morris ang go-ahead three-pointer sa huling 30 segundo ng laro para makumpleto ng Boston Celtics ang big-comeback nito kontra Oklahoma City Thunder, 101-95.

Ibinaon ng Thunder ang Celtics sa 16-points na lamang dahil na rin sa malamyang shooting ng Boston sa first half.

Pero pumutok ang opensa ng Celtics sa closing minutes ng fourth quarter para makuha ang panalo.


May game-high 24 points, 1 assist at 6 rebounds si Jayson Tatum para pangunahan ang Boston.

Nauwi naman sa wala ang 22 points, 1 assist at 8 rebounds ni Paul George para sa Oklahoma.

Facebook Comments