![CELTICS-2](https://i0.wp.com/rmn.ph/wp-content/uploads/2018/05/CELTICS-2.png?resize=696%2C392&ssl=1)
Boston – Dinomina ng Boston Celtics ang Cleveland Cavaliers, 96-83 sa game 5 para umangat sa 3-2 lamang sa Eastern Conference Finals ng NBA.
Hindi pinadikit ng Boston ang Cleveland sa first quarter pa lang, 27-17 bago palakihin pa ang kanilang lamang sa 36-20 sa pagsisimula ng 2nd quarter.
Pumutok ang opensa ni Jayson Tatum na may team high 24 points habang nag-ambag naman ng 17 markers si Jaylen Brown para sa Boston.
May 26 points naman si LeBron James para sa Cavaliers na kailangan manalo sa Game 6 para mapahaba pa ang kanilang post season run.
Facebook Comments