NBA | Boston Celtics Star Gordon Hayward, unti-unti nang nakakarekober sa kaniyang injury

86

NBA – Unti-unti nang gumagaling ang isa sa mga star player ng Boston Celtics na si Gordon Hayward.

Ito ay matapos siyang sumailalim sa ilang serye ng ankle surgeries matapos na ma-injured sa season opening game kontra Cleveland Cavaliers.

Sa kanyang Instagram post, makikita sa video si Hayward kung saan nagdi-dribble ito ng bola at gumagawa ng ilang mga step-back jumpers, fade-aways at pull-up jumpers.

Nitong buwan lamang nang inihayag ni Boston President of Operations Danny Ainge na nakakatakbo nang muli si Hayward at kanilang panalangin na makabalik na siyang muli sa game court.

Facebook Comments