NBA | Boston Celtics tinapos na ang Philadelphia 76ers sa game 5

Boston – Nagmintis si Joel Embiid sa huling 12 segundo ng laro para maitakas ng Boston Celtics ang 114-112 na panalo kontra Philadelphia 76ers sa game 5 ng kanilang 2nd round series.

Lamang ang Boston 111-109 at bola ng Sixers pero hindi nagawang maisalpak ni Embiid ang kaniyang undergoal stab para maitabla sana ang laro.

May 25 points si Jayson Tatum para sa panalo ng Celtics habang may tig-27 markers sina Embiid at Dario Saric para naman sa 76ers.


Dahil sa 4-1 na panalo, uusad ang Boston Celtics sa Eastern Conference Finals kontra sa Cleveland Cavaliers.

Facebook Comments