NBA – Nakabangon ang Boston Celtics sa kanilang 4-game losing streaks nang manalo kontra Los Angeles Clippers.
Tinalo ng Celtics ang Clippers sa score na 113-102 kung saan nanguna sa panalo si Kyrie Irving na may 20 points.
Dahil dito, umangat ang kanilang standing sa NBA na may 35-14 win/loss record.
Samantala, double-double performance naman ang ipinakita ni Jonas Valanciunas ng Toronto Raptors na may 16-points at 13-rebounds kaya’t tinalo nila ang Atlanta Hawks sa score na 108-93.
Nasungkit naman ng Houston Rockets ang kanilang ika-limang sunod na panalo matapos na talunin ang Dallas Mavericks sa score na 104-97.
Facebook Comments