People’s day sa Mamasapano Maguindanao, kasabay ng ikatlong taung anibersasryo ng Mamasapano encounter!

Libreng mga serbisyo ang natamasa kahapon ng mga residente ng Mamasapano, Maguindanao sa peoples day eevent na pinangasiwaan ng ARMM government sa pamamagitan ng ARMM-HEART.
Ito ay kasabay ng ikatlong taong paggunita ng madugong Mamasapano insident.
Libreng medical at dental services, supplemental feeding ang ilan lamang sa na-avail ng mga residente, nagkaroon din ng bloodletting, pamamahagi ng fingerlings at seedlings.
Nagsagawa rin ng turn over ceremony para sa infrastructure projects sa lugar.
Maliban sa medical missions, pamamahagi ng mga binhi at farm imports, ang ARMM-HEART ay nagsawa rin ng Mine Risk Education briefing, ito ay upang tugunan ang concerns sa unexploded devices sa Mamasapano na iniwan ng terror groups sa area.
Ang mine risk briefing ay pagpapalaganap ng kamalayan sa mga komunidad hinggil sa epekto ng mga eksplosibo at ang panganib ng unexploded devices.

Facebook Comments