PBA | Blackwater Elite, nagpalit na ng kanilang import

Manila, Philippines – Pinauwi na ng Blackwater Elite ang kanilang import na si Jarrid Famous dahil sa hindi magandang performance nito sa PBA Commissioners Cup.

Papalitan si famous ni Henry Walker na dati nang tumulong sa Elite na makarating sa kauna-unahan nilang playoffs appearance kung saan natalo sila sa Meralco Bolts sa Governors cup.

Umaasa ang Blackwater na makakarating pa din sila sa playoffs sa tulong ni Walker kahit na wala pa silang panalo at mayroong anim na talo.


Inaasahang darating ngayong araw si Walker at una itong sasabak sa laro kontra NLEX Road Warriors sa Mayo 30.

Facebook Comments