NBA | Defending NBA champion Golden State Warriors, hindi na pupunta sa White House

NBA – Kung sa ibang tao big deal na maimbita at makausap ang presidente ng Amerika sa Oval Office nito sa White House, ibahin ninyo ang Golden State Warriors.

Sa halip kasi na pumunta sa White House ang Warriors para harapin si Donald Trump, nagkasundo ang mga player na pupunta na lamang sila sa isang lugar sa Washington DC area.

At imbis na si Trump, nais nina Stephen Curry, Klay Thompson, Draymond Green at ng team na makasama ang mga kabataan mula sa mga mahihirap na komunidad sa DC area.


Tradisyon kasi sa NBA na kung sino ang nagkakampeon taON-taon ay may courtesy call sila sa White House.

Pero masisira ang tradisyong ito dahil na rin sa pagiging kritikal ng mga NBA player sa mga utos at patakaran ng Trump Administration partikular na sa ipinapatupad na mga immigration policy nito.

Facebook Comments