NBA | Golden State Warriors head coach Steve Kerr, relax na relax lang sa showdown nila kontra Houston Rockets

Amerika – Sa kabila ng marami ang pumapabor sa kanilang kalaban, chill lang si Golden State Warriors’ head coach Steve Kerr sa kanilang bakbakan kontra Houston Rockets.

Ayon kay Kerr malaking hamon sa kanila ang Houston dahil nga ito ang pinakamagaling na koponan sa regular season at maganda rin ang ipinakita ng koponan sa laban nito sa Minessota at Utah.

Dagdag pa rito ang home court advantage ng Rockets.


Pero sa kabila ng mga bagay na ito, malaki ang kumpiyansa ni Kerr sa kaniyang mga player na kakayanin nila ang Houston sa kanilang Western Conference finals.

Hirit pa ni Kerr mayroon silang mga singsing o titulo samantalang ang mga Rockets ngayon ay wala pa.

Facebook Comments