NBA | Golden State Warriors, tinalo ng Minnesota Timberwolves; 114-110

Hindi pinaporma ng Minnesota Timberwolves ang defending champion Golden State Warriors sa kanilang preseason game sa NBA.

Tinalo ng Wolves ang Warriors sa score na 114-110 kung saan naguna sa panalo sina Jeff Teague na may 17-points at Derrick Rose na may 16-points.

Nakuhang manalo ng Minnesota kahit na wala ang all-star player nito na si Jimmy Butler na hiniling na mai-trade sa ibang team noong nakaraang linggo.


Hindi naman umubra ang 21-points ni Stephen Curry, 17-points ni Klay Thompson at 16-points ni Kevin Durant para sa Golden State.

Facebook Comments