HANDA NA | Carla Abellana, ready na daw magpakasal

Manila, Philippines – Inamin ngayon ng aktres na si Carla Abellana na ready na daw siyang pakasalan ang nobyong si Tom Rodriguez.

Say ni Carla, napag-usapan na daw nila ni Tom ang nasabing bagay pero hindi pa ang petsa at may ilang bagay pa daw silang kailangan i-prioritize lalo na at kakasimula pa lamang niyang magbukas ng isang negosyo.

Inamin naman nito na hindi pa sila nagmamadali kahit na apat na taon na silang magkarelasyon kung saan nais ni Carla na maging simple, romantic at elegant ang kasal nila ni Tom sa isang Catholic church.


Pero sa ngayon, tutok muna daw silang dalawa sa kanilang mga sariling negosyo at showbiz career.

Facebook Comments