NBA | Hawks pinataob ang Spurs; 130-127

Isinalpak ni rookie Trae Young ang isang three-pointer habang papaubos na ang oras para gulatin ng Atlanta Hawks ang San Antonio Spurs, 130-127 sa kanilang pre-season game sa Georgia Tech.

Kalmadong binitiwan ni Young ang kaniyang game winner mula mahigit tatlumpong talampakan may 2.2 seconds na lamang ang natitira sa game.

Hindi pumasok ang game-tying three-pointer ni Bryn Forbes para makuha ng Hawks ang panalo.


Samantala, pinatunayan naman ni Jimmy Butler ang kaniyang halaga sa Minnesota Timberwolves.

Pinangunahan kasi ni Butler ang mga bangko at third string player ng koponan para talunin ang First Five ng T-Wolves sa kanilang scrimmage.

Nauna nang hiniling ni Butler na i-trade siya ng Minnesota pero hanggang sa ngayon bigo pa rin ang management na mailipat ng koponan ang kanilang star player.

Facebook Comments