UMAKYAT | Namamatay na mga drug suspek sa halos 2 taong war on drugs ng pamahalaan umaabot na sa higit 4,000

300

Manila, Philippines – Umakyat na sa mahigit sa 4 libong drug personalities ang namatay sa mga anti-drug operations sa halos 2 taon nang Duterte administration.

Sa press briefing sa Camp Crame inihayag dating Philippine National Police (PNP) chief for operations at ngayon ay National Capital Region Police Office (NCPRO) Director Camilo Cascolan ang datos ng real numbers kung saan lumalabas na bukot sa 4,251 na napatay sa anti-drug operations.

May 142, 069 drug suspek rin ang naaresto sa 98,799 na anti-drug operations na ikinasa mula July 1, 2017 hanggang April 30, 2018.

Umaabot naman sa 2, 676.60 kilos o katumbas ng halagang 13.31 billion pesos ng shabu ang nasamsam.

Habang nasa 20.23 billion pesos ng mga kemikal at gamit sa paggawa ng iligal na droga ang na diskubre sa nasabing panahon.

Nasa 504 na mga government workers ang naaresto dahil sa iligal na droga kung saan 239 ang mga government employees, 237 ang elected officials at 48 ang uniformed personel.

Facebook Comments