NBA | Houston Rockets, nagtala ng NBA record 26 3-pointers kontra Washington Wizards

Manila, Philippines – Nagtala ng NBA record ang Houston Rockets matapos paulanan ng 26 3-point shots ang Washigton Wizards para ibulsa ang kanilang ikalimang sunod na panalo.

Sa iskor na 136-118, bumida sa panalo ng Houston si James Harden na nagposte ng 35 points kasama ang anim na 3-pointers.

Hindi rin nagpaawat sina Chris Paul sa kanyang 21 points habang may 20 points naman si Clint Capela.


Nabalewala naman ang 28 points ni Bradley Beal para sa Wizards.

Sunod na makakaharap ng rockets ang Miami Heat sa Biyernes habang babalik sa kanilang teritoryo ang Wizards para kalabanin ang dadayong Phoenix sa linggo.

Facebook Comments