NBA | Houston Rockets, nakauna sa Utah Jazz; 110-96

NBA – May mensahe agad ang Houston Rockets sa Utah Jazz sa pag-sisimula ng kanilang second round series sa Western Conference playoffs.

Ito ay sa pamamagitan ng walang kahirap-hirap na panalo ng Rockets sa Jazz sa score na 110-96 sa game 1.

Umiskor si James Harden ng 41 points, 8 rebounds at 7 assists para pangunahan ang Rockets sa pagbibigay ng reality check sa Utah Jazz na tinalo ang Oklahoma City Thunder sa first round ng playoffs.


Nag ambag naman ng 17 points, 6 assists, 4 rebounds at 4 steals si Chris Paul para sa Houston.

May 21 points naman si Dennis Mitchell para sa Jazz na wala sa hulog dahil na rin sa kanilang 18 turnovers.

Facebook Comments