LABOR DAY | Limang libong raliyista, aasahan ng PNP na magpo-protesta sa kalakhang Maynila

Manila, Philippines – Limang libong mga raliyista ang inaasahan ng Phillippine National Police (PNP) na magsasagawa ng kilos protesta bukas Labor day.

Ito ang inihayag ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde batay sa kanilang intelligence monitoring.

Ang bilang na ito ay na-monitor nilang mag ra-rally sa Metro Manila.


Hindi naman naniniwala si Albayalde na aabot sa 15 libo ang mga raliyista bukas sa kabila ng anunsyo ng Kilusang Mayo Uno (KMU) na ganito karami ang magpo-protesta.

Gayunpaman ay nakahanda aniya ang PNP sa anumang mga hindi inaasahang kaganapan bukas.

Facebook Comments