NBA | Houston Rockets, nangunguna pa rin sa ranking ng Western Conference

NBA – Namamayagpag pa rin sa ranking ng western conference ng NBA ang Houston Rockets bitbit ang 50-13 win loss record.

Ito ay matapos na masungkit ng team ang 16th straight win kontra Oklahoma City Thunder kanina, 122-112.

Nanguna sa panalo si Chris Paul na umiskor ng 25 points habang 23 points naman mula kay James Harden.


Nakapako naman sa 7th spot ang Oklahoma na may kartadang 37-29.

Samantala sa iba pang laro, nagpakawala ng 37 points si Portland Trail Blazer Damian Lillard para idiskaril ang New York Knicks, 111-87.

Habang panalo rin ang Washington Wizards sa overtime game nila kontra Miami Heat, 117-113.

Facebook Comments