PINAG-IINGAT | Mga tinuturing na kaaway ng mga kasalukuyang nasa kapangyarihan, target ng harassment

Manila, Philippines – Target ng harassment, ganito inilarawan ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang umano’y mga itinuturing na kaaway ng mga kasalukuyang nasa kapangyarihan o “dominant order”.

Sinabi ito ni Sereno sa forum na ginanap sa Scholastica’s College sa Maynila kaugnay sa pagdiriwang ng Women’s Month.

Dagdag pa niya, uso ngayon ang short cut kung saan nababalewala ang mga karapatang pantao at due process para lamang maidiin ang mga pinaniniwalaang kontra sa gobyerno.


Paalala pa niya maging maingat sa fake news at propaganda.

Hindi rin daw dapat maging “passive spectators” nanunuod lang ang publiko sa mga maling nakikita.

Hindi naman nagbanggit ng pangalan si Sereno kung sino ang pinaniniwalaan niyang bahagi ng “dominant order”.

Hindi rin siya nagpaunlak ng interview sa media matapos ang forum.

Naka-indefinite leave si Sereno habang nahaharap sa impeachment complaint at Quo Warranto Petition.

Facebook Comments