NBA – Pinayuko ng Cleveland Cavaliers ang Milwaukee Bucks, 124-117 matapos
na magtala ng panibagong triple-double na 40 points, 12 rebounds at 10
assist si Lebron James.
Ito na ang kanyang ika-16 na triple double ngayong season at pang-71 naman
sa kanyang NBA career.
Umariba rin sa laro ang kababalik lang na si All-Star Forward Kevin Love na
umiskor ng 18 points para sa team.
Matatandaang anim na linggong absent si Love dahil sa tinamong left hand
injury.
Sunod na makakasagupa ng Cavs ang Toronto Raptors habang haharapin ng Bucks
ang Los Angels Clippers.
Facebook Comments