Los Angeles – Naitala ni LeBron James ang unang panalo nito bilang miyembro ng Lakers matapos talunin ng Los Angeles ang Sacramento Kings, 128-123 sa pre-season ng NBA sa Staples Center.
Pinangunahan ni Brandon Ingram ang Lakers sa kaniyang 31 points para maputol ang two-game losing run ng Los Angeles.
Gaya ng nakagawian, naglaro lamang ng 15 minutos si LeBron James pero umiskor ang four-time league MVP ng 18 points, three rebounds at four assists.
Nag-ambag naman ng 17 puntos si Kyle Kuzma kasama na rito ang dalawang free throw na tumiyak ng panalo sa Lakers.
Nasayang naman ang double-double ni Marvin Bagley lll para sa Kings. Umiskor si Bagley ng 19 points at 10 rebounds habang may 18 points at four assists si De’Aaron Fox.
Facebook Comments