NAKATAKDA | Justice Sec. Guevarra, makipagpulong kay AFP Chief Galvez

Manila, Philippines – Nakatakdang makipagpulong si Justice Sec. Menardo Guevarra kay AFP Chief General Carlito Galvez.

Kasunod ito ng Expose’ ng militar na may contact daw ang new peoples army sa loob ng DOJ kaya nadi-dismiss ang mga kaso laban sa mga rebeldeng komunista.

Ayon kay Guevarra, seryoso ang nasabing pahayag ng militar kaya nararapat lamang na pagtuunan ito ng pansin.


Iginiit ni Guevarra na mahalagang malaman niya ang buong detalye ng nasabing usapin lalo nat malawak at mabigat ang salitang “infiltration”.

Una na ring ibinunyag ng AFP ang ‘Red October,’ plot na layong patalsikin ang Pangulong Duterte.

Facebook Comments