NBA | James, Lakers talo ulit sa Nuggets; Rockets at Cavaliers, panalo!

Patuloy na inaalat si LeBron James at ang Los Angeles Lakers matapos muli silang matalo sa Denver Nuggets, 113-111 sa mismong homecourt nila sa pre-season ng National Basketball Association.

Umiskor ng 23 points si Mason Plumlee habang may 20 naman si Nikola Dokic para pangunahan ang Nuggets sa ikalawa nilang panalo laban sa Lakers.

May team high 15 points si Javale McGee habang nag-ambag naman ng 13 points si James na naglaro lamang ng labing-limang minuto sa kaniyang unang laro bilang Laker sa Staples Center.


Samantala, panalo naman sina Kevin Love at ang Cleveland Cavaliers kontra Boston Celtics, 102-95.

Umiskor ng 17 points si Love para sa panalo ng Cavaliers.

Wagi rin ang Houston Rockets laban sa Memphis Grizzlies, 131-115.

May game high na 22 points at nine assists si Chris Paul para sa Rockets.

Facebook Comments