Senator Escudero, itinalagang bagong pinuno ng Senado

Itinalaga si Senator Chiz Escudero bilang bagong Senate President kapalit ni Senator Migz Zubiri.

Si Senator Alan Peter Cayetano ang nag-nominate kay Escudero sa plenaryo para maging susunod na lider ng Mataas na Kapulungan at kinatigan  ng 14 na mga senador.

Nanumpa kanina si Escudero sa harap ni Senator Mark Villar at mga senador kung saan kasama nito ang kanyang asawang si Heart Evangelista.


Sa pahayag ni Escudero bilang bagong lider ng Senado, nagpasalamat siya kay Zubiri sa serbisyo at mga pagsisikap nito para sa institusyon, sa bansa, at sa mga kababayan.

Umaasa rin si Escudero na magiging proud sa kanya si Zubiri at hindi siya iiwan nito lalo na kapag hihingi siya ng gabay, tulong, at wisdom sa dating Senate President.

Facebook Comments