NBA | Jimmy Butler, lalayasan na ang Minnesota Timberwolves para sa Los Angeles Clippers

Determinado na si Jimmy Butler na makalipat sa Los Angeles Clippers matapos itong hingin sa Minnesota Timberwolves na pakawalan siya.

Ayon sa mga report sa NBA, hiniling ng pambatong player ng T-Wolves kay head coach at president of basketball operations Tom Thibodeau na mai-trade siya sa Clippers sa lalong madaling panahon.

Pera ang isa sa mga dahilan kung bakit nais ni Butler na umalis ng Minnesota.


Isa kasi ang Clippers sa mga koponan na maaring magbigay ng maximum deal kay Butler na puwdeng maging free-agent sa susunod na taon.

Puwede rin siyang bigyan ng Los Angeles Lakers pero ayaw ni Butler na maglaro sa likod ni Lebron James.

May option kasi si Butler na kumalas sa kaniyang current contract pagkatapos ng 2018-2019 season.

Facebook Comments