NBA | Kawhi Leonard hindi na aalis sa San Antonio Spurs

41

NBA – Kung pagbabasehan ang mga report sa NBA, posibleng hindi na lilipat ng koponan si Kawhi Leonard.

Sa report kasi, nakatakda na umanong pumirma ng contract extension sa San Antonio Spurs ngayong off season si Leonard.

Nakapaglaro lamang ng siyam na game si Leonard para sa Spurs sa nakalipas na season dahil sa quad injury nito.

Noong Disyembre binigyan ng clearance si Leonard para bumalik sa hardcourt pero hindi naman siya nagtagal sa paglalaro dahil sa kaniyang injury at hindi na muling nakita sa mga laro ng Spurs.

Dahil dito umugong ang mga ispekulasyon na hindi na ito masaya sa San Antonio at lilipat na ito ng koponan.

Facebook Comments