NBA | Kawhi Leonard ipinagpalit ng San Antonio Spurs kay DeMar DeRozan ng Toronto Raptors

NBA – Natupad din ang pangarap ni Kawhi Leonard na maakaalis sa San Antonio Spurs.

Ipapadala na kasi ng Spurs ang two-time Defensive Player Player of the Year at Finals MVP sa Toronto Raptors kapalit ni All-Star DeMar DeRozan.

Kasama ni Leonard na lilipat sa Toronto si Gerald Green samantalang isinama rin ng Raptors sa trade package si Jakob Poetl at isang protected 2019 first-round pick.


Nakapaglaro lamang sa siyam na game si Leonard sa Spurs noong nakaraang season dahil sa injury at kahit ilang beses tinangka ng Spurs na kumbisihin ito na huwag umalis ng koponan hiniling pa rin nito na i-trade siya ng San Antonio.

May average naman na 23.0 points, 5.2 assists and 3.9 rebounds per game si DeRozan para pangunahan ang Toronto sa best record sa Eastern Conference at franchise best na 59-23 win loss mark.

Facebook Comments