NBA – Wala pang balak na magretiro si NBA MVP Kevin Durant.
Ayon sa 29-anyos na Golden State Warriors Star, marami pa siyang gustong matutunan at nag-e-enjoy pa siya sa paglalaro ng basketball.
Posible aniyang magretiro siya sa edad na 35 na ibinase niya sa numero ng kanyang jersey.
Bagama’t masyado pang maaga, inamin ni Durant na ngayon pa lang ay pinaghahandaan na rin niya ang kanyang pagreretiro.
Facebook Comments