NBA – Kahit halos isang taon pa bago matapos ang kaniyang kontrata, pinag-uusapan ngayon pa lang kung ano ang magiging kinabukasan ng superstar point guard na si Kyrie Irving sa Boston Celtics.
Wala rin kasing ingay sa Celtics at kay Irving kung may usapan na hinggil sa contract extension.
Papasok pa sa free-agency market si Irving pagkatapos ng 2018-2019 season at kung mangyayari malaki ang posibilidad na mawawala ito sa Celtics nang walang makukuhang kapalit ang Boston.
Matunog sa liga na hahabulin ng Brooklyn Nets at New York Knicks ang All-Star sa free agency.
May game average na 24.4 points, 5.1 assists, 1.1 steals at career-high 49.1 percent shooting clip si Irving sa kaniyang unang season sa Boston.
Dahil dito nakuha ni Irving ang kaniyang ikalimang appearance sa NBA All-Star game.