CLEARING OPERATIONS | MMDA nagkasa ng one time big time operation sa Baclaran

Muling nagkasa ng clearing operations ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Baclaran.

Nagsanib pwersa ang Alpha at Bravo team ng MMDA para sa kanilang one time big time operation ngayong linggo.

Ang operasyon ay nagsimula sa Baclaran, sinuyod ang kahabaan ng Taft Avenue patungong Redemptorist Road o sa simbahan ng Baclaran.


Napuno din ng kinumpiskang mga paninda, mga upuan, lona, lamesa, mga pasaway na tricycle at kuliglig ang mga idineploy na tow trucks ng MMDA

Sinabi naman ni MMDA Supervising Officer Bong Nebrija na wala silang palulusutin o patatawarin ngayon dahil naaabuso na sila bunsod ng paulit-ulit na operasyon pero paulit-ulit din ang mga paglabag.

Kasunod nito sinabi ni Nebrija na kung makukulit ang mga ilegal vendors at drivers mas makulit ang MMDA dahil hindi silang magsasawa sa pagsasagawa ng kaliwat kanang operasyon.

Facebook Comments