NBA | Lebron James, ayaw nang sisihin si J.R Smith sa pagkatalo ng Cavs

Ayaw nang manisi pa ni Lebron James kasunod ng umano ay sinayang na rebound ng teammate niyang si J.R. Smith.

Matatandaang nauwi sa overtime ang laro nang maitabla ng free throw ni George Hill ang iskor sa 107.

Bagama’t na-rebound ni J.R. Smith ang bola, inakala raw niya na sila na ang lamang kaya nag-dribble ito patungo sa halfcourt.


Sa press conference kanina, sinabi ni Lebron na tapos na ang laro kaya kailangan na nilang mag-move on.

Bigla namang nag-walkout sa presscon si Lebron matapos ang ilang tanong ng isang reporter tungkol kay J.R. Smith.

Facebook Comments