NBA | LeBron James, kinapos; Lakers talo sa Spurs, 143-142 sa OT

Pumasok ang jumper ni Patty Mills may 6.8 seconds na lamang ang nalalabi para masilat ng San Antonio Spurs ang Los Angeles Lakers, 143-142 sa overtime.

May pag-asa pa sana ang Lakers na makuha ang unang panalo nila sa tatlong laro pero nabigo si LeBron James na maipasok ang kaniyang jumper habang paubos ang oras.

Bago nito, nagmintis sa kaniyang dalawang free throws si James na magbibigay sana ng mas maayos na lamang sa Lakers.


Naunang dinala ni James sa overtime ang laro matapos maisalpak ang isang three-pointer may 2.4 seconds na lamang ang natitira sa regulation para sa 128-all na score.

Sa ibang mga laro, nag-init sa third quarter si Stephen Curry para pangunahan ang Golden State Warriors sa 123-103 panalo kontra Phoenix Suns.

Panalo rin sa OT ang Washington Wizards laban naman sa Portland Trailblazers, 125-124.

Facebook Comments