NBA | Miami Heat, tinapos ang 17-game win streak ng Philadelphia 76ers

27

NBA – Isang vintage performance ang ipinakita ni Dwyane Wade para putulin ng Miami Heat ang 17-game winning run ng Philadelphia 76ers, 113-103 sa game 2 ng kanilang opening round series sa NBA.
Umiskor si Wade ng 28 points para maitabla ng Heat sa 1-all ang serye kontra sa 76ers.

Samantala…

Angat na sa 2-0 ang defending champion Golden State Warriors kontra sa San Antonio Spurs.

Umiskor ng 16 points si Klay Thompson sa 4th quarter para tambakan ng Warriors ang Spurs, 116-101 sa game 2 kanina.

Facebook Comments